Thursday, October 11, 2012




"ANG KLASMEYT KONG KAIBIGAN"

by: PATTY, PATCHA & PATRING


Isang antukin
Isang putiin
Isang tangkarin
Isang sosyalin
At dalawang hikain

Ang aking mga klasmeyt
At aking mga kaibigan
Sila ang ang laging kasama
Lalo na't kainan

Maraming pagkakaiba
Hate namin si ******
At pag tag - gutom na
Mukha ng mga tanga

Buko Loka
Flat Tops ni lola
Iyan ang paborito
Ng aming barkada

Kung ika'y nagtataka
Ba't di natin alamin pa
Isa isahing mabuti
Ang kalokohan ng bawat isa



Ang babaeng ANTUKIN

Ang sarap suntukin
May mala - anghel na dila
Araw - araw kang mumurahin
Mahilig siya sa Tocino
Mga ulam na de - prito
Mahilig siya sa Macho
Machuchulis ang buto


Ang babaeng PUTIIN
KOJIC ang salarin
Magda - diet daw siya lagi
Huwag mo kaming lokohin
Madalas siyang nadadapa
Paa niya'y magang - maga
Siya ay simpleng dalaga
Di bagay lipstick na pula


Ang babaeng TANGKARIN
Ang pinakamalaki sa amin
Parang lahat ng height namin
Ay kaniyang kinain
Minsan ika'y mabibigla
Bigla - biglang nagsasalita
Akala mo'y baliw na
May ka - callmate lang pala


Ang babaeng SOSYALIN
Minsan mahirap kausapin
Tagalog ang iyong gagamitin
Ingles kang sasagutin
Bag niyang Luwibiton
Pag - ibig niya'y isang Hapon
Sakanya'y huwag mapikon
Pancit Canton


Ang unang babaeng HIKAIN
Siya ay ubod ng takaw rin
Mga galaw niya'y mahinhin
Pwera lang sa pagkain
Kung sakali kami'y mawala
At siya ang aming kasama
Hindi na kailangang tanungin pa
Sa Canteen tayo magkikita


Ang isa pang babaeng HIKAIN
Ang tanging payat sa amin
Tila siya isang Birhen
Kung tumawa'y wagas din
Siya ang pinakamahusay
Sa larangan ng Matematika
At siya rin ang taga - hiram
Ng libro ng Tito niya

Ngayon iyong nalaman
Kanilang mga kalandian
Aking mga minamahal
na Klasmeyt at Kaibigan

BOW!

si PUTIIN

 what do you know about this red monster?

Wednesday, October 10, 2012

o___0

Uhh.. .. we didnt make it. .  so now im just poker face. : |